Mga Kuwento ni La Maruja
***************
MGA KUWENTO NI LA MARUJA: Kapag Tumitig ay Malagkit
Sumuko na ako sa katotohanan na kahit kailan hindi ako makakahanap ng relasyon nang basta-basta sa isang pampublikong lugar. Sa dami ba naman ng tao ngayon sa Maynila, sa palagay mo ba may guwapo't matipunong lalakeng makakakita sa akin?
Pero minsan, mapapaisip ka na siguro may mga tao diyan na naghahanap ng maiibig habang abala sa kani-kanilang mga buhay. Na ang mga simpleng gawain gaya ng pamamalengke o paghahatid ng pamangkin sa eskuwela ay nagiging hanapan na rin ng makakapareha.
Gaya ng nangyari noong nakaraang Linggo.
Nakasakay ako sa MRT mula Cubao papuntang Buendia, papasok sa aking panggabing trabaho. Masikip noon at siksikan ang tao. Dahil wala nang upuan, napatayo ako. Habang bumibiyahe, napansin ko na may isang matangkad na lalakeng tila dumidikit sa akin. Okey naman ang hitsura niya. Siguro kapag nakita ko siya sa isang madilim na sinehan sa Quiapo malamang pinatulan ko siya.
Pero siyempre hindi ito Quiapo, at hindi ko na 'yun gawain noh!
Pagdating sa Ortigas Station, nagkaroon ng bakanteng espasyo para makaupo ako. Sa patuloy na pagbiyahe ng MRT, napansin ko na 'yung lalakeng matangkad na katabi ko kanina ay panay ang titig sa akin. Sumusulyap ang kanyang mga mata at paminsan-minsan ay kinakagat pa ang kanyang labi.
Okey na sana siya sa akin, kaya lang parang pakiramdam ko kapag naging kami, ako pa ang magiging lalake sa relasyon. Ako pa naman, pinapanindigan ko talaga na ako dapat ang girl. Aba natural!
So ayun, lumipad na lang ang aking mga mata sa kung saan man kahit na panay pa rin ang malalagkit na titig ng lalake.
Hindi na niya ako sinundan paglabas ko sa Buendia Station. Ang haba naman ng hair ko kung ganoon ang nangyari. Pero in fairness, napagtanto ko na taglay ko pa rin ang aking kakaibang kapangyarihan na nagpapabaliw sa mga lalake.
***************
MOVIE TRAILER LIFE: The Blossoming of Maximo Oliveros
"The Blossoming of Maximo Oliveros" (Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros) has been chosen as the Philippine representative for the Best Foreign-Language Film Category of next year's Academy Awards. To refresh your memory, "Maximo" is about a 12-year-old gay boy from a family of petty thieves who fell in love with a policeman. The movie had its second round of screening at major cinemas in Metro Manila, while the DVD is scheduled to be available next year.
For those who have not seen it, do yourself a favor. Here's the trailer and enjoy.
1 Comments:
so, 700 Club ang drama na natin ganon? Nagbagong-buhay na after praying with Coney Reyes...hahahaha! Tse.
Seriously, you will find the right person for you, gurl. Kaya lang, dapat tandaan na kaya naging bakla ang bakla kasi gusto nila lalaki. kapag nagpaka-gurl ka pa, heterosexual relationship ito. (I was supposed to laugh pero, parang tama ang logic, devah vakla?)
Fri Oct 20, 05:41:00 PM GMT+8
Post a Comment
<< Home